- Sunday 6
- Monday 7
- Tuesday 8
- Wednesday 9
- Thursday 10
- Friday 11
- Saturday 12
- Sunday 13
- Monday 14
- Tuesday 15
- Wednesday 16


Cleveland Guardians @ Boston Red Sox Tips - Red Sox babawi sa Game 3
- Mga tip sa Cleveland Guardians @ Boston Red Sox sa MLB sa Miyerkules (Huwebes 00:10 BST/07:10 Manila Time)
- Ang Game 3 ng four-game series ay gaganapin sa Fenway Park
- Cal Quantrill (CLE) vs Nathan Eovaldi (BOS)
- Nagpalitan ng mga panalo ang dalawang panig sa unang dalawang laro ng serye
Expired

Maglalaban ang Guardians at Red Sox sa Fenway Park. (JOSEPH PREZIOSO/AFP via Getty Images)
Ipagpapatuloy ng Cleveland Guardians at Boston Red Sox ang kanilang four-game series sa Fenway Park sa Miyerkules (Huwebes 00:10 BST/07:10 Manila Time).
Tinabla ng Guardians ang serye sa 1-1 matapos nilang magtala ng 8-3 panalo noong Martes. Pumalo si rookie Nolan Jones ng three-run homer sa 5th inning para bigyan ang Cleveland ng 5-0 kalamangan. Bago nito ay nagtala ng RBI single si Owen Miller sa 1st inning bago pumalo ng solo homer si Austin Hedges sa 2nd inning.
Nagpasok din ng mga run sina Josh Naylor (grounder) at Amed Rosario (single) habang nagrehistro ng 3 hits si Steven Kwan para tulungan ang Guardians na makabawi sa kanilang 3-1 pagkatalo sa opener. Pinutol din ng Cleveland ang kanilang three-game skid.
Nakuha naman ni reliever Kirk McCarty ang kanyang unang panalo ngayong season matapos niyang magpukol ng 4 strikeouts sa 4 scoreless innings.
Kasalukuyang nasa ikalawang puwesto ang Guardians (49-47) sa American League Central division habang pang-apat naman sila sa AL wildcard race.
Nanguna para sa Boston si Xander Bogaerts, na nagtala ng 3 hits, 1 run at 1 RBI.
Ito ang ika-anim na pagkatalo ng Red Sox sa kanilang huling pitong laro para bumagsak sa pinakahuling puwesto sa AL East.
Magsisimula si Cal Quantrill (7-5) para sa Guardians sa larong ito. Mataas ang kumpiyansa ng right-hander matapos niyang manalo sa kanyang huling tatlong panimula. Nagsuko si Quantrill ng 6 hits at 2 runs sa 5 innings sa kanilang 8-2 panalo sa Chicago White Sox noong Biyernes. Hindi siya nakakuha ng decision sa kanilang 6-3 pagkatalo kontra Boston noong nakaraang buwan kung saan nagsuko siya ng 5 hits at 2 runs sa 5 innings.
Nais naman bumawi ni Boston starter Nathan Eovaldi (4-3) matapos niyang matalo sa kanyang huling panimula. Nagsuko siya ng 8 hits at 9 runs sa 2 2/3 innings sa kanilang 28-5 na pagkatalo kontra Toronto noong Biyernes. Ito ang unang pagkakataon na makakaharap ni Eovaldi ang Guardians ngayong season.
Verdict
Inaasahan namin na makabawi ang Red Sox sa ikatlong laro ng serye.
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS
Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.