- Saturday 23
- Sunday 24
- Monday 25
- Tuesday 26
- Wednesday 27
- Thursday 28
- Friday 29
- Saturday 30
- Sunday 1
- Monday 2
- Tuesday 3
Manchester City vs Real Madrid Tips - Citizens magwawagi sa unang leg ng semi-finals
- Mga tip sa Manchester City vs Real Madrid sa UEFA Champions League sa Martes (20:00 BST)
- Ang semi-final leg 1 ay gaganapin sa Etihad Stadium
- Tinalo ng Man City ang Atletico Madrid sa quarter-finals
- Nagwagi ang Real Madrid kontra Chelsea sa quarter-finals
- Ito ang unang pagkikita ng dalawang panig mula noong 2020 Champions League Last 16
Expired
Kevin De Bruyne (Gonzalo Arroyo Moreno/Getty Images)
Asahan ang magandang laban sa pagitan ng Manchester City at Real Madrid sa unang leg ng UEFA Champions League semi-finals sa Martes.
Umabante ang Man City sa yugtong ito ng kompetisyon matapos nilang talunin ang Atletico Madrid (1-0 aggregate) sa quarter-finals. Binigyan ni Kevin De Bruyne ng 1-0 na panalo ang Citizens sa unang leg matapos niyang maka-goal sa ika-70 minuto. Nauwi naman sa isang 0-0 draw ang kanilang rematch sa Madrid.
Inaasahang muling magbida si De Bruyne sa larong ito at makakatulong niya sa pag-atake si Riyad Mahrez, ang nangungunang scorer ng Man City sa Champions League ngayong season na may anim na goal.
Aasahan din ni Man City boss Pep Guardiola ang kontribusyon nina Raheem Sterling, Gabriel Jesus at Phil Foden.
Naging impresibo ang Man City sa kanilang huling dalawang laro kung saan nilampaso nila ang Brighton (3-0) at Watford (5-1) sa English Premier League.
Hindi maglalaro si Joao Cancelo para sa Man City dahil sa suspensyon.
Nalampasan naman ng Real Madrid ang Chelsea (5-4 aggregate) sa quater-finals. Nagtala ang Los Blancos ng 3-1 na tagumpay sa Stamford Bridge sa unang leg sa likod ng hat-trick ni Karim Benzema.
Bumawi ang Chelsea 3-2 sa pangalawang leg sa Madrid ngunit hindi ito naging sapat para malampasan ang aggregate na kalamangan ng Los Blancos. Muling nakabuslo si Benzema habang nagdagdag ng isa pang goal si Rodrygo.
May 12 goals si Benzema sa Champions League ngayong season at pumapangalawa lang siya kay Robert Lewandowski ng Bayern Munich sa nangungunang scorer ng kompetisyon.
Pagkatapos matalo sa Chelsea ay tinalo naman ng Real Madrid ang Sevilla (3-2) at Osasuna (3-1) sa La Liga.
Hindi magagamit ni Real Madrid boss Carlo Ancelotti sina Eden Hazard at Luka Jovic sa larong ito dahil sa injury.
Huling nagkita ang Man City at Real Madrid sa 2020 Champions League last 16 kung saan dalawang beses tinalo ng Citizens ang Los Blancos. Nanalo ang Citizens ng tatlong sunod sa seryeng ito.
Verdict
Inaasahan namin ang panalo para sa Man City sa unang leg.
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS
Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.