- Tuesday 3
- Wednesday 4
- Thursday 5
- Friday 6
- Saturday 7
- Sunday 8
- Monday 9
- Tuesday 10
- Wednesday 11
- Thursday 12
- Friday 13
Inter Milan vs Empoli Tips - Panalo para sa Inter
- Mga tip sa Inter Milan vs Empoli sa Italian Serie A sa Biyernes (1745 BST)
- Ang laro ay gaganapin sa San Siro
- Tinalo ng Inter ang Udinese 2-1 sa kanilang huling laro
- Isang beses lang natalo ang Inter sa kanilang huling 13 laro sa lahat ng mga kompetisyon
- Isang beses lang nanalo ang Empoli sa kanilang huling 19 laban sa lahat ng mga kompetisyon
- Nanalo ang Inter sa kanilang huling 9 laro kontra Empoli, na huling nanalo sa serye noon pang 2006
Expired
Lautaro Martinez (Alessandro Sabattini/Getty Images)
Kailangang talunin ng Inter Milan ang Empoli sa Italian Serie A sa Biyernes upang panatilihin ang kanilang tsansa na maungusan ang AC Milan para sa kampeonato.
Kasalukuyang nasa pangalawang puwesto ang Nerazzurri sa liga na may 75 puntos mula sa 35 laro. Nangunguna pa rin ang AC Milan na may 77 puntos at tatlong laro na lamang ang natitira ngayong season.
Kagagaling ng Milan sa isang 2-1 panalo sa Udinese. Naging sapat na ang mga first-half goals nina Ivan Perisic at Lautaro Martínez para makuha ng panig ni Simone Inzaghi ang kanilang ika-anim na panalo sa kanilang huling pitong laro sa lahat ng mga kompetisyon.
May 17 goal si Martinez sa Serie A ngayong season at siya ang mangunguna sa pag-atake ng Inter. Aasahan din ni Inzaghi sina Edin Dzeko, Hakan Calhanoglu at Perisic sa labang ito.
Hindi naman makakalaro sina Nicolo Barella at Alessandro Bastoni dahil sa injury.
Nasa ika-14 puwesto naman ang Empoli na may 37 puntos mula sa 35 laban. Nasigurado na rin ng panig ni Aurelio Andreazzoli ang kanilang puwesto sa Serie A sa susunod na season.
Determinadong makabawi ang Empoli matapos nilang makalasap ng 3-1 na kabiguan kontra Torino noong nakaraang round.
Binigyan ni Szymon Zurkowski ng kalamangan ang Azzurri sa ika-56 minuto bago sila nagsuko ng tatlong goal kay Andrea Belotti sa huling 12 minuto ng laro pati sa injury time.
Si Andrea Pinamonti ang nangungunang scorer ng Empoli na may 12 goals ngayong season. Makakatulong niya sina Zurkowski, Nedim Bajrami at Federico Di Francesco.
May mga injury sina Emmanuel Ekong, Riccardo Marchizza, Nicolas Haas at Lorenzo Tonelli para sa Empoli habang suspendido naman si Petar Stojanovic.
Tinalo ng Inter ang Empoli 2-0 sa Carlo Castellani Stadium noong Oktubre sa kanilang unang pagkikta sa Serie A ngayong season. Ang header ni Danilo D'Ambrosio at goal ni Federico Dimarco ang nagbigay ng panalo para sa Nerazzurri.
Muling nagtagpo ang dalawang panig sa Round of 16 ng Coppa Italia noong Enero kung saan muling nagwagi ang Inter 3-2 sa extra time. Si Stefano Sensi ang nagselyo ng panalo matapos niyang makabuslo sa ika-104 minuto. Bago nito ay tinabla ni Andrea Ranocchia ang laban sa huling minuto ng laro.
Unang nakalamang ang Milan matapos umiskor ni Alexis Sanchez sa ika-13 minuto. Tinabla naman ni Nedim Bajrami ang laro sa ika-61 minuto bago lumamang ang Empoli sa ika-76 minuto matapos maka own goal si Ionut Radu.
Nanalo ang Inter sa kanilang huling siyam na laro kontra Empoli, na huling nanalo sa serye noon pang 2006.
Verdict
Kailangan ng Inter ang panalong ito kaya inaasahan namin na muli nilang tatalunin ang Empoli.
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS
Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.