- Tuesday 3
- Wednesday 4
- Thursday 5
- Friday 6
- Saturday 7
- Sunday 8
- Monday 9
- Tuesday 10
- Wednesday 11
- Thursday 12
- Friday 13
Leipzig vs Hoffenheim Tips - Leipzig babawi dito
- Mga tip sa Leipzig vs Hoffenheim sa German Bundesliga sa Linggo (18:30 BST)
- Ang laro ay gaganapin sa Red Bull Arena
- Nagtala ng panalo ang Leipzig sa Borussia Dortmund sa kanilang huling laro
- Hindi natalo ang Leipzig sa kanilang huling 7 laro
- Natalo ang Hoffenheim sa kanilang huling 2 laban
- Tinalo ng Hoffenheim ang Leipzig 2-0 noong Nobyembre
Expired
Christopher Nkunku (Photo by Sebastian Widmann/Getty Images)
Target ng Leipzig na makuha ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa German Bundesliga sa Linggo sa kanilang laban kontra Hoffenheim.
Nilampaso ng Roten Bullen ang Borussia Dortmund 4-1 sa Signal Iduna Park noong nakaraang round. Nagtala ng magkasunod na mga goal si Konrad Laimer para bigyan ng 2-0 na kalamangan ang Leipzig sa half-time. Nagdagdag ng isa pang goal si Christopher Nkunku para sa mga bisita bago naka-goal si Donyell Malen para sa mga host. Sinelyohan ni Dani Olmo ang panalo ng Leipzig matapos niyang maka-goal sa ika-86 minuto.
Hindi natalo ang panig ni Domenico Tedesco sa kanilang huling pitong laro sa Bundesliga at nananatili silang nasa ika-apat na puwesto sa liga na may 48 puntos mula sa 28 laro.
Kagagaling naman ng Leipzig sa isang 1-1 draw kontra Atalanta sa unang leg ng kanilang quarter-final tie sa UEFA Europa League.
May 16 goal si Nkunku sa Bundesliga ngayong season at siya ang nangungunang scorer ng Leipzig. Makakatambal niya si Andre Silva sa frontline.
Hindi naman maglalaro sina Yussuf Poulsen at Amadou Haidara dahil sa injury.
Determinado namang makabawi ang Hoffenheim matapos nilang makalasap ng magkasunod ng mga pagkatalo kontra Hertha Berlin (3-0) at Bochum (2-1) sa kanilang huling dalawang laro. Bigo rin makakuha ng panalo ang Sinsheim club sa kanilang huling tatlong laro. Kasalukuyan silang nasa ika-anim na puwesto na may 44 puntos.
Suspendido sina Kevin Vogt, David Raum at Kevin Akpoguma sa larong ito habang may mga injury o karamdaman sina Benjamin Hübner, Stefan Posch at Fisnik Asllani.
Tinalo ng Hoffenheim ang Leipzig 2-0 sa PreZero Arena noong Nobyembre sa kanilang unang paghaharap ngayong season. Naka-goal sina Diadie Samassekou at Munas Dabbur para tulungan ang Kraichgauer na masungkit ang kanilang unang panalo kontra Leipzig mula pa noong 2018.
Verdict
Inaasahan namin na makabawi ang Leipzig sa kanilang pagkatalo sa Hoffenheim noong Nobyembre.
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS
Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.