• Home
  • Football
  • English Premier League

West Ham United vs Manchester City - Citizens tatalunin ang Hammers

Editor
Last updated: 12 May 2022
Librengpusta Staff 12 May 2022
Share this article
Or copy link
  • Mga tip sa West Ham United vs Manchester City sa English Premier League sa Linggo (14:00 BST)
  • Ang laro ay gaganapin sa London Stadium
  • Nagwagi ang West Ham 4-0 sa Norwich City sa kanilang huling laro
  • Nanalo ang Man City sa kanilang huling 5 laro sa Premier League
  • Tinalo ng Man City ang West Ham 2-1 noong Nobyembre
  • Tinalo ng West Ham ang Man City sa Carabao Cup noong Oktubre
Expired
Kevin De Bruyne
Kevin De Bruyne (David Ramos/Getty Images)
Abot kamay na na Manchester City ang kampeonato sa English Premier League ngayong season kaya hindi sila puwedeng matalo sa West Ham United sa Linggo.

Nangunguna ang panig ni Pep Guardiola sa liga na may 89 puntos mula sa 36 laro. Dalawang puntos ang kanilang kalamangan sa Liverpool papasok sa huling dalawang round ng kompetisyon.

Nilampaso ng Man City ang Wolverhampton 5-1 sa kanilang huling laro. Umiskor ng 4 goals si Kevin De Bruyne habang nagsublo rin si Raheem Sterling para pangunahan ang Citizens sa tagumpay sa Molineux Stadium.

Ito ang ikalimang sunod na panalo ng Man City sa Premier League at hindi sila natalo sa kanilang huling 10 laro sa liga.

Si De Bruyne ang nangungunang scorer ng Citizens sa Premier League na may 15 goals ngayong season habang pumapangalawa si Sterling na may 13 goal. 

Nagtala naman ng 4-0 panalo ang West Ham sa Norwich City sa kanilang huling laro para putulin ang kanilang four-match losing streak.

Dalawang beses naka-goal si Said Benrahma habang nagdagdag ng tag-iisang goal sina Michail Antonio at Manuel Lanzini.

Kasalukuyang nasa ikapitong puwesto ang West Ham na may 55 puntos mula sa 36 laro.

May walong goal na si Benrahama sa Premier League ngayong season at sila nina Antonio at Jarrod Bowen ang mangunguna sa hangarin ng Hammers na makuha ang kanilang ikalawang panalo kontra Man City ngayong season.

Hindi naman maglalaro si Angelo Ogbonna para sa panig ni David Moyes.

Unang tinalo ng West Ham ang Man City sa penalties noong fourth round ng Carabao Cup matapos mauwi ang kanilang laro sa isang 0-0 draw. 

Muling nagkita ang dalawang panig sa Premier League noong Nobyembre at sa pagkakataon iyon ay nagwagi na ang Citizens 2-1. 

Binigyan ni Ilkay Gundogan ng kalamangan ang Man City sa first half bago dinoble ni Fernandinho ang kanilang lamang sa huling minuto ng laro. Binigyan naman ni Lanzini ng consolation goal ang Hammers sa injury time. 

Huling tinalo ng West Ham ang Man City sa Premier League noong 2015.

Verdict

Importante ang larong ito para sa Man City kaya inaasahan namin sila na manalo dito.

Best Bet: Man City To Win @3/8 at Hollywood bets - 1 Unit
Man City
To Win
@3/8 - 1 Unit
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan