- Thursday 21
- Friday 22
- Saturday 23
- Sunday 24
- Monday 25
- Tuesday 26
- Wednesday 27
- Thursday 28
- Friday 29
- Saturday 30
- Sunday 1
Southampton vs Liverpool Tips - Reds inaasahang magwagi
- Mga tip sa Southampton vs Liverpool sa English Premier League sa Martes (19:45 BST)
- Ang laro ay gaganapin sa St. Mary's Stadium
- Natalo ang Southampton sa kanilang huling 2 laro
- Nanalo ang Liverpool sa Aston Villa 2-1 sa kanilang huling laro sa Premier League
- Hindi natalo ang Reds sa kanilang huling 16 laro sa lahat ng mga kompetisyon
- Nilampaso ng Liverpool ang Southampton 4-0 sa Anfield noong Nobyembre
Expired
Diogo Jota (Julian Finney/Getty Images)
Dadayo ang Liverpool sa Southampton para sa isang importanteng laro sa English Premier League sa Martes.
Hangad ng Reds na makadikit sa Manchester City sa karera sa kampeonato ngayong season. Kasalukuyang pumapangalawa ang Liverpool sa Man City ngunit isang laro na lang ang nalalabi para sa Citizens habang may dalawa pa ang Reds kabilang ito.
May 90 puntos ang Man City mula sa 37 laro habang may 86 puntos ang Liverpool mula sa 36 laban. Kung mananalo ang panig ni Jürgen Klopp sa larong ito ay magiging isang puntos lang ang kalamangan ng Man City patungo sa huling round ng kompetisyon.
Nagtala ang Reds ng 2-1 panalo sa Aston Villa sa kanilang huling laro sa Premier League. Maagang nagsuko ng goal ang koponan ni Klopp ngunit agad namang tinabla ni Joel Matip ang laro. Ang header ni Sadio Mane sa ika-65 minuto ang nagbigay ng panalo sa Reds.
Tinalo naman ng Liverpool ang Chelsea 6-5 sa penalties sa FA Cup final noong Sabado matapos mauwi sa isang 0-0 draw ang laro sa regulation at extra time. Hindi natalo ang Liverpool sa kanilang huling 16 laro sa lahat ng mga kompetisyon.
Muling pangungunahan nina Mohamed Salah, Diogo Jota at Sadio Mane ang pag-atake ng Reds. Patuloy naman na hindi makakalaro si Fabinho dahil sa injury.
Kasalukuyan namang nasa ika-15 puwesto ang Southampton na may 40 puntos mula sa 36 laro. Bigong manalo ang panig ni Ralph Hasenhüttl sa kanilang huling apat na laro at kagagaling nila sa magkasunod na mga pagkatalo kontra Crystal Palace (2-1) at Brentford (3-0).
May 9 goals si James Ward-Prowse sa Premier League ngayong season at siya ang mangunguna sa pag-atake ng Saints. Aasahan din ni Hasenhüttl sina Che Adams at Armando Broja.
Hindi magtatampok sina Alex McCarthy, Nathan Tella at Tino Livramento sa labang ito dahil sa injury.
Nilampaso ng Liverpool ang Southampton 4-0 sa Anfield noong Nobyembre sa kanilang unang pagkikita sa Premier League ngayong season. Nakadalawang goal si Jota habang nagbuslo rin sina Thiago at Virgil van Dijk. Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Reds sa serye at isang beses lang sila natalo sa kanilang huling 10 laro kontra sa Saints sa lahat ng mga kompetisyon.
Verdict
Inspirado ang Liverpool matapos ang kanilang pagkampeon sa FA Cup para mapanatili ang kanilang hangarin na makakuha ng quadruple ngayong season. Inaasahan namin silang manalo kontra Southampton.
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS
Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.