- Thursday 21
- Friday 22
- Saturday 23
- Sunday 24
- Monday 25
- Tuesday 26
- Wednesday 27
- Thursday 28
- Friday 29
- Saturday 30
- Sunday 1
Manchester United vs Brentford Tips - Red Devils tatalunin ang Bees
- Mga tip sa Manchester United vs Brentford sa English Premier League sa Lunes (20:00 BST)
- Ang laro ay gaganapin sa Old Trafford
- Bigong manalo ang Man United sa kanilang huling 3 laro
- Hindi natalo ang Brentford sa kanilang huling 4 laban
- Nagwagi ang Man United 3-1 sa Brentford noong Enero
Expired
Cristiano Ronaldo (Octavio Passos/Getty Images)
Determinadong makabawi ang Manchester United laban sa Brentford sa kanilang bakbakan sa English Premier League sa Lunes.
Bigong manalo ang Red Devils sa kanilang huling tatlong laro at kasalukuyan silang nasa ika-anim na puwesto na may 55 puntos mula sa 35 laro.
Kagagaling ng Man United sa isang 1-1 draw kontra Chelsea noong Huwebes. Tinabla ni Cristiano Ronaldo ang laro sa ika-62 minuto, dalawang minuto lang ang nakakaraan matapos bigyan ni Marcos Alonso ng kalamangan ang Blues.
Bago ang resultang ito ay nakalasap ang panig ni Ralf Rangnick ng mga pagkatalo kontra Liverpool (4-0) at Arsenal (3-1). Isang beses lang sila nanalo sa kanilang huling pitong laro sa lahat ng mga kompetisyon.
May 17 goals si Ronaldo sa Premier League ngayong season at mula niyang pangungunahan ang pag-atake ng Red Devils. Makakatulong naman ng Portuguese superstar sina Bruno Fernandes at Marcus Rashford.
Hindi naman maglalaro sina Edinson Cavani, Fred, Jadon Sancho, Luke Shaw at Paul Pogba dahil sa injury o karamdaman.
Target naman ng Brentford na palawigin ang kanilang four-match unbeaten streak. Nagtala ang Bees ng magkakasunod na mga panalo kontra Chelsea (4-1), West Ham United (2-0) at Watford (2-1) bago sila nagkasya sa isang 0-0 draw laban sa Tottenham noong nakaraang round.
Si Ivan Toney ang mangunguna sa Brentford sa larong ito. May 12 goals ang English international sa Premier League ngayong season. Tutulungan naman siya nina Yoane Wissa, Vitaly Janelt at Bryan Mbeumo.
Inaasahan na magbabalik sina Kristoffer Ajer at Christian Norgaard matapos nilang lumiban sa kanilang huling laro.
Hindi naman magagamit ni Brentford boss Thomas Frank sina Zanka, Frank Onyeka at Sergi Canos dahil sa injury.
Nagtala ng 3-1 panalo ang Man United sa Brentford Community Stadium noong Enero sa unang paghaharap ng dalawang panig sa Premier League ngayong season. Magkakasunod na umiskor sina Anthony Elanga, Mason Greenwood at Rashford sa second half bago makabuslo si Toney para sa Bees.
Nagtala ng limang panalo at isang draw ang Man United sa kanilang huling anim na laban kontra sa Brentford sa lahat ng mga kompetisyon. Huling tinalo ng Bees ang Red Devils noong 1938 FA Cup.
Verdict
Hirap ang Man United sa kanilang nakaraang mga laro ngunit inaasahan namin sila na makabawi kontra Brentford sa larong ito.
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS
Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.