• Home
  • Football
  • English Premier League

Liverpool vs Tottenham Tips - Reds muling magwawagi

Editor
Last updated: 04 May 2022
Librengpusta Staff 04 May 2022
Share this article
Or copy link
  • Mga tip sa Liverpool vs Tottenham sa English Premier League sa Sabado (19:45 BST)
  • Ang laro ay gaganapin sa Anfield
  • Nanalo ang Liverpool ang kanilang huling 8 laro
  • Hindi natalo ang Liverpool sa kanilang huling 13 laban
  • Tinalo ng Tottenham ang Leicester City noong nakaraang round
  • Nauwi sa isang 2-2 draw ang laban ng Liverpool at Tottenham noong Disyembre
Expired
Naby Keita
Naby Keïta (David Ramos/Getty Images)
Hangad ng Liverpool na manatiling nasa likod ng Manchester City sa karera para sa kampeonato sa English Premier League ngayong season. 

Kasalukuyang may 82 puntos mula sa 34 laro ang Reds at isang puntos lang ang lamang ng Man City papasok sa huling apat na round ng kompetisyon.

Nanalo ang Liverpool sa kanilang huling tatlong laro sa Premier League at hindi sila natalo sa kanilang huling 15 laro sa kompetisyong ito. Nagtala ang panig ni Jürgen Klopp ng 1-0 panalo sa Newcastle United noong nakaraang round. Naging sapat na ang goal ni Naby Keita sa first half para makuha ng Reds ang panalo.

Kagagaling naman ng Liverpool sa isang 3-2 tagumpay sa Villarreal sa pangalawang leg ng UEFA Champions League semi-finals. Nagsuko ng dalawang goal ang Reds sa second half bago gumanti sina Fabinho, Luis Diaz at Sadio Mane para igiya sa panalo ang kanilang koponan. Nagwagi ang Liverpool 5-2 para maka-abante sa final ng kompetisyong ito sa unang pagkakataon mula noong nagkampeon sila noong 2019. 

Si Mohamed Salah ang nangungunang scorer ng Premier League ngayong season na may 22 goals at muli niyang pangungunahan ang pag-atake ng Liverpool. Aasahan rin si Klopp sina Diogo Jota at Mane. Hindi naman maglalaro si Roberto Firmino dahil sa injury sa paa. 

Inspirado rin ang Tottenham matapos nilang talunin ang Leicester City 3-1 sa kanilang nakaraang laro. Unang naka-goal si Harry Kane sa first half bago nagdagdag ng dalawang goal si Son Heung-min sa second half. Pinutol ng Spurs ang kanilang two-match winless streak para manatiling nasa ikalimang puwesto na may 61 puntos mula sa 34 laro. 

Si Son naman ang pangalawang scorer ng liga na may 19 goals habang may 13 goals naman si Kane. Sila ang mangunguna sa pag-atake ng Spurs sa labang ito.

Hindi naman magagamit ni Spurs boss Antonio Conte sina Japhet Tanganga, Oliver Skipp at Matt Doherty dahil sa injury.

Nauwi sa isang 2-2 draw ang laban ng Liverpool at Tottenham sa London noong Disyembre.
Binigyan ng maagang kalamangan ni Harry Kane ang Spurs bago gumanti ng mga goal sina Jota at Andrew Robertson para sa Reds. Tinabla naman ni Son Heung-min ang laro sa ika-74 minuto.   

Bago ang resultang ito ay nanalo ang Reds ng pitong sunod sa serye. Hindi rin natalo ang Liverpool sa kanilang huling siyam na laro kontra Tottenham. Huling tinalo ng Spurs ang Reds noon pang 2017.

Verdict

Kailangan ng Liverpool ang panalong ito para makasabay sa Man City sa two-way race para sa kampeonato kaya hula namin na mananalo ang Reds sa labang ito.

Best Bet: Liverpool To Win @3/7 at Hollywood bets - 1 Unit
Liverpool
To Win
@3/7 - 1 Unit
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan