• Home
  • Football
  • English Premier League

Liverpool vs Manchester United Tips - Reds muling magwawagi kontra Man U

Editor
Last updated: 18 Apr 2022
Librengpusta Staff 18 Apr 2022
Share this article
Or copy link
  • Mga tip sa Liverpool vs Manchester United sa English Premier League sa Martes (20:00 BST)
  • Ang laro ay gaganapin sa Anfield
  • Hindi natalo ang Liverpool sa kanilang huling 8 laro sa lahat ng mga kompetisyon
  • Tinalo ng Man United ang Norwich City 3-2 sa kanilang huling laro
  • Nilampaso ng Liverpool ang Man United 5-0 sa Old Trafford noong Oktubre
  • Tinalo ng Liverpool ang Man United sa kanilang huling 2 pagkikita
Expired
Mohamed Salah
Mohamed Salah (PAUL ELLIS/AFP via Getty Images)
Muling maghaharap ang Liverpool at Manchester United sa English Premier League sa Martes.

Huling nagkita ang dalawang panig noong Oktubre kung saan tinambakan ng Reds ang Red Devils 5-0 sa Old Trafford. Nagtala ng hat-trick si Mohamed Salah habang nagdagdag ng tag-iisang goal sina Naby Keita at Diogo Jota. Nabawasan sa 10 manlalaro ang Man United sa ika-60 minuto matapos makakuha ng red card si Paul Pogba. Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Liverpool sa seryeng ito.

Hindi natalo ang Liverpool sa kanilang huling walong laro sa lahat ng mga kompetisyon kung saan nagtala sila ng anim na panalo at dalawang tabla. 
Cristiano Ronaldo
Cristiano Ronaldo (MIGUEL RIOPA/AFP via Getty Images)

Kagagaling ng Reds sa isang 3-2 na tagumpay sa Manchester City sa FA Cup semi-finals. Dalawang beses naka-goal si Sadio Mane habang nagbuslo rin si Ibrahima Konate.

Nananatiling nasa ikalawang puwesto ang panig ni Jurgen Klopp sa Premier League table na may 73 puntos mula sa 31 laro. 

Inspirado rin ang Man United matapos nilang talunin ang Norwich City 3-2 sa kanilang huling laro sa liga. Naglista ng hat-trick si Cristiano Ronaldo para tulungan ang Red Devils na putulin ang kanilang three-match winless spell.

Nasa ikalimang puwesto ang panig ni Ralf Rangnick na may 54 puntos mula sa 32 laban.

Hindi naman magtatampok sina Edinson Cavani, Scott McTominay, Raphael Varane at Luke Shaw sa larong ito dahil sa injury. 

Verdict

Hindi natalo ang Liverpool sa kanilang huling walong laro sa lahat ng mga kompetisyon kaya muli naming inaasahan ang Reds na talunin ang Man United.

Best Bet: Liverpool To Win @2/5 at bet365 - 1 Unit
Liverpool
To Win
@2/5 - 1 Unit
Bet £10 Get £30
with bonus code NEWBONUS

Available to new customers only. Make a qualifying deposit of £5 or more and claim the offer within 30 days of registering your account to qualify for 300% of that amount in Bet Credits, up to a maximum of £30 in Bet Credits. Once released, your Bet Credits will be held in your account balance and are non-withdrawable. Min deposit requirement. Free Bets are paid as Bet Credits and are available for use upon settlement of qualifying bets. Min odds, bet and payment method exclusions apply. Returns exclude Bet Credits stake. Registration required. Time limits and T&Cs apply.

Bet at bet365

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan