• Home
  • Football
  • English Premier League

Chelsea vs West Ham United Tips - Blues babawi kontra Hammers

Editor
Last updated: 22 Apr 2022
Librengpusta Staff 22 Apr 2022
Share this article
Or copy link
  • Mga tip sa Chelsea vs West Ham United sa English Premier League sa Linggo (14:00 BST)
  • Ang laro ay gaganapin sa Stamford Bridge
  • Nakalasap ng 4-2 na pagkatalo ang Chelsea sa Stamford Bridge kontra sa Arsenal sa kanilang huling laro
  • Nagtala ng 1-1 draw ang West Ham United kontra Burnley sa kanilang huling laban
  • Tinalo ng West Ham ang Chelsea 3-2 noong Disyembre
Expired
Mason Mount
Mason Mount (Shaun Botterill/Getty Images)
Determinadong makabawi ang Chelsea sa kanilang laban kontra West Ham United sa English Premier League sa Linggo. 

Nakalasap ng nakakahiyang 4-2 na pagkatalo ang Chelsea kontra Arsenal sa Stamford Bridge sa kanilang huling laro. Tanging sina Timo Werner at Cesar Azpilicueta ang nakabuslo para sa Blues, na naputol ang three-match winning streak sa lahat ng mga kompetisyon. Ito ang pangalawang talo ng West London club sa kanilang huling tatlong laro sa Premier League.

Bago ang pagkatalong iyon ay tinalo ng Blues ang Southampton 6-0 (Premier League), Real Madrid 3-2 sa extra time (Champions League) at Crystal Palace 2-0 sa FA Cup.

Kasalukuyang nasa ikatlong puwesto ang panig ni Thomas Tuchel sa liga na may 62 puntos mula sa 31 laro. 

Muling pangungunahan ang Chelsea nina Mason Mount at Kai Havertz sa larong ito. Si Mount ang nangungunang scorer ng Blues sa Premier League na may 10 goal habang may pitong goal naman si Havertz.

Hindi naman maglalaro sina Ben Chilwell, Mateo Kovacic at Callum Hudson-Odoi para sa Chelsea dahil sa injury habang inaalam pa ang kalagayan nina Antonio Rudiger at Andreas Christensen.

Nagtala naman ng 1-1 draw ang West Ham United kontra Burnley noong nakaraang round. Nagsuko ng goal ang Hammers kay Wout Weghorst sa first half bago tinabla ni Tomas Soucek ang laro sa ika-74 minuto. Nasa ikapitong puwesto ang panig ni David Moyes na may 52 puntos mula sa 33 laro.

Sina Jarrod Bowen at Michail Antonio ang one-two punch ng Hammers. 

Hindi naman magagamit ni Moyes sina Kurt Zouma, Issa Diop at Angelo Ogbonna sa larong ito dahil sa injury. 

Tinalo ng West Ham ang Chelsea 3-2 noong Disyembre sa unang pagkikta ng dalawang koponan ngayong season. Ang goal ni Arthur Masuaku sa ika-87 minuto ang nagbigay ng panalo sa Hammers sa London Stadium. Bago iyon ay naka-goal sina Manuel Lanzini at Bowen para sa mga hosts habang nagbuslo sina Thiago Silva at Mount para sa mga bisita. 

Verdict

Inaasahan namin na magwawagi ang Chelsea sa kanilang rematch kontra West Ham.

Best Bet: Chelsea To Win @1/2 at Hollywood bets - 1 Unit
Chelsea
To Win
@1/2 - 1 Unit
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan