• Home
  • Football
  • English Premier League

Burnley vs Southampton Tips - Draw asahan na

Editor
Last updated: 19 Apr 2022
Librengpusta Staff 19 Apr 2022
Share this article
Or copy link
  • Mga tip sa Burnley vs Southampton sa English Premier League sa Huwebes (19:45 BST)
  • Ang laro ay gaganapin sa Turf Moor
  • Isang beses lang nanalo ang Burnley sa kanilang huling 8 laro
  • Tinalo ng Southampton ang Arsenal 1-0 sa kanilang huling laro
  • Nagresulta sa isang 2-2 draw ang laban ng Burnley at Southampton noong Oktubre
Expired
Maxwel Cornet
Maxwel Cornet (CHARLY TRIBALLEAU/AFP via Getty Images)
Maghaharap ang Burnley at Southampton sa English Premier League sa Huwebes.

Naglista ang Burnley ng 1-1 draw sa West Ham United sa kanilang huling laro. Lumamang ang Clarets sa first half sa pamamagitan ng goal ni Wout Weghorst ngunit nagsuko sila ng goal kay Tomas Soucek sa ika-74 minuto.

Isang beses lang nanalo ang Burnley sa kanilang huling walong laro at kasalukuyan silang nasa relegation zone na may 25 puntos mula sa 31 laro. 

Pangungunahan nina Weghorst, Maxwel Cornet at Jay Rodriguez ang pag-atake ng Clarets. Si Cornet ang nangungunang scorer ng Lancashire club na may pitong goals sa Premier League ngayong season.

Hindi naman magagamit ni bagong talagang Burnley caretaker manager Mike Jackson sina Ben Mee, Johann Berg Gudmundsson, Erik Pieters at Ashley Westwood sa larong ito dahil sa injury. Itinalaga si Jackson sa puwesto matapos sibakin si Sean Dyche bago ang kanilang laro kontra West Ham.

Kagagaling naman ng Southampton sa isang 1-0 na panalo kontra Arsenal. Ang goal ni Jan Bednarek bago mag half-time ang nagbigay ng unang panalo ng Saints sa Premier League simula pa noong Pebrero. 

Pinutol din ng panig ni Ralph Hasenhüttl ang kanilang six-match winless spell sa lahat ng mga kompetisyon. Kasalukuyang nasa ika-12 Southampton na may 39 puntos mula sa 32 laro.

Sina James Ward-Prowse, Che Adams at Armando Broja ang mangunguna para sa Saints sa labang ito. Kapwa may pitong goals sina Ward-Prowse at Adams sa Premier League habang may anim naman si Broja.

Hindi naman magtatampok sina Alex McCarthy at Nathan Tella para sa Southampton dahil sa injury. 

Nagresulta sa isang 2-2 draw ang laban ng Burnley at Southampton sa St Mary's Stadium noong Oktubre. 

Binigyan ng maagang kalamangan ni Maxwel Cornet ang Clarets bago gumanti ng magkasunod na mga goal sina Tino Livramento at Broja para sa Saints. Tinabla naman ni Cornet ang laro sa ika-57 minuto. 

Verdict

Tulad ng kanilang unang paghaharap ngayong season ay inaasahan namin na mauwi ang rematch ng Burnley at Southampton sa isang draw.

Best Bet: Draw Result @9/4 at Hollywood bets - 1 Unit
Draw
Result
@9/4 - 1 Unit
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan