- Thursday 31
- Friday 1
- Saturday 2
- Sunday 3
- Monday 4
- Tuesday 5
- Wednesday 6
- Thursday 7
- Friday 8
- Saturday 9
- Sunday 10
Miami Heat @ Boston Celtics Tips - Celtics babawi sa Game 4
- Mga tip sa Miami Heat @ Boston Celtics sa NBA Play-offs sa (Martes 01:30 BST/08:30 Manila Time)
- Ang Game 4 ng Eastern Conference finals ay gaganapin sa TD Garden
- Lamang ang Heat 2-1 sa serye matapos nilang magwagi sa Boston 109-103 sa Game 3
- Nagpasiklab si Bam Adebayo sa Game 3 para pangunahan ang Celtics
Expired
Determinadong makabawi ang Celtics kontra sa Heat sa Game 4 ng Eastern Conference finals (Kevin C. Cox/Getty Images)
Muling maghaharap ang Miami Heat at Boston Celtics sa Game 4 ng Eastern Conference finals sa Lunes (Martes 01:30 BST/08:30 Manila Time)
Nakakuha ng 2-1 kalamangan ang Heat sa best-of-seven series matapos nilang magtala ng 109-103 panalo sa Boston noong Sabado.
Nakakuha ng 39-18 kalamangan ang mga bisita pagkatapos ng first quarter at hindi na nila muling binitawan ang kanilang kalamangan.
Nagtapos si Bam Adebayo ng 31 puntos at 10 rebounds at siya ang nanguna sa Heat matapos na hindi makabalik si Jimmy Butler sa second half dahil sa injury sa tuhod.
Nagdagdag ng 17 puntos at 7 rebounds si PJ Tucker habang nag-ambag ng 16 puntos si Max Straus. Naglista naman si Kyle Lowry ng 11 puntos at 7 assists.
Nagtala ng 40 puntos at 9 rebounds si Jaylen Brown para pangunanahan ang Celtics. Nagdagdag si Al Horford ng 20 puntos at 14 rebounds habang nagtapos si Marcus Smart ng 16 puntos at 7 assists. Nalimitahan naman si Jayson Tatum sa 10 puntos sa 3-of-14 shooting. Umiskor ang All-Star forward ng 29 puntos sa Game 1 at 27 puntos sa Game 2 kung saan nagtala sila ng 127-102 panalo sa South Beach.
Lumamang ang Heat ng 26 puntos sa Game 3 bago humabol ang Celtics sa fourth quarter kung saan natapyas nila ang kalamangan sa isang puntos. Ngunit gumanti sina Strus at Adebayo para mapanatili ng Heat ang kanilang kalamangan.
Umaasa si Celtics head coach Ime Udoka na hindi na muling maulit ang kanilang pangit na panimula sa Game 3. Nahirapan si Tatum sa naturang laro na maaaring naka-apekto sa kanya ang iniindang injury sa leeg at balikat.
Nakalista si Tatum bilang game-time decision sa Game 4 pati na rin sina Smart at big man Robert Williams habang wala pa rin si Sam Hauser dahil sa injury sa balikat.
Game-time decision din si Butler para sa Heat kasama sina Strus, Tucker, Tyler Herro, Gabe Vincent at Lowry. Umiskor si Butler ng 41 puntos sa kanilang 118-107 panalo noong Game 1 at nag-aaverage siya ng 28.1 puntos kada laro sa play-offs kaya malaking bagay para sa Miami kung hindi siya makakalaro sa Game 4.
Verdict
Napahiya ang Celtics sa Game 3 at determinadong silang makabawi sa Game 4 kaya inaasahan namin na manalo sila dito.
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS
Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.