• Home
  • Basketball
  • NBA

Golden State Warriors @ Boston Celtics Tips - Celtics muilng magwawagi sa Game 4

Editor
Last updated: 10 Jun 2022
Librengpusta Staff 10 Jun 2022
Share this article
Or copy link
  • Mga tip sa Golden State Warriors @ Boston Celtics sa NBA Finals sa Biyernes (Sabado 02:00 BST/09:00 Manila Time)
  • Ang Game 4 ay gaganapin sa TD Garden
  • Lamang ang Celtics 2-1 sa best-of-7 series matapos nilang manalo sa Game 3 116-100
  • Nanguna para sa Boston sina Jaylen Brown, Jayson Tatum at Marcus Smart sa Game 3
Expired
td garden
Muling maghaharap ang Celtics at Warriors sa TD Garden (Maddie Meyer/Getty Images)
Muling maghaharap ang Golden State Warriors at Boston Celtics sa Game 4 ng NBA finals na gagawin sa TD Garden sa Biyernes (Sabado 02:00 BST/09:00 Manila Time).

Nakakuha ng 2-1 kalamangan ang Celtics sa best-of-seven series matapos nilang tambakan ang Warriors 116-100 sa Game 3 noong Miyerkules.

Nanguna para sa Celtics ang kanilang Big Three na sina Jaylen Brown, Jayson Tatum at Marcus Smart. Umiskor si Brown ng 27 puntos ang kumuha ng 9 rebounds habang nagtapos si Tatum ng 26 puntos at 9 assists. Nag-ambag naman si Smart ng 24 puntos, 7 rebounds at 5 assists at nanguna rin sa depensa ng Celtics para limitahan ang Warriors sa 11 puntos sa fourth quarter.

Nagtapos si Al Horford ng 11 puntos, 8 rebounds at 6 assists habang nagdagdag si Grant Williams ng 10 puntos mula sa bench. Nakakuha naman si Robert Williams ng 10 rebounds at 4 blocks.

Nanguna para si Warriors si Stephen Curry, na nagtapos ng 31 puntos. Nagdagdag si Klay Thompson ng 25 puntos habang kumana ng 18 puntos si Andrew Wiggins. Umiskor naman ng 10 puntos mula sa bench si Jordan Poole. 

Umiskor si Curry ng 15 puntos sa third quarter kung saan dinomina nila ang Celtics 33-25 ngunit hindi na siya naramdaman sa huling period kung saan nasaktan din ang kanyang kaliwang paa. 

Inaasahan naman na maglaro si Curry sa Game 4. Questionable naman sina Andre Iguodala at Otto Porter. 

Si Williams naman ang questionable para sa Golden State ngunit inaasahan naman siya na maglaro. 

Nag-aaverage si Brown ng 22.7 puntos at 7.3 rebounds kada laro sa serye habang gumagawa si Tatum ng 22 puntos at 8.3 assists. Makakatulong nila sina Smart, Al Horford at Derrick White sa kanilang tangkang makakuha ng 3-1 lead bago bumalik ang serye sa San Francisco para sa Game 5. 

Susubukan naman ng Golden State na itabla ang serye sa pangunguna ni Curry, na nag-aaverage ng 31.3 puntos kada laro sa finals. 

Verdict

Nasa Celtics ang momentum sa serye kaya inaasahan namin sila na muling talunin ang Warriors sa kanilang homecourt.

Best Bet: Celtics To Win @3/5 at Hollywood bets - 1 Unit
Celtics
To Win
@3/5 - 1 Unit
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan