- Thursday 21
- Friday 22
- Saturday 23
- Sunday 24
- Monday 25
- Tuesday 26
- Wednesday 27
- Thursday 28
- Friday 29
- Saturday 30
- Sunday 1
Dallas Mavericks @ Golden State Warriors Tips - Warriors tatapusin ang serye sa Game 5
- Mga tip sa Dallas Mavericks @ Golden State Warriors sa NBA Play-offs sa Huwebes (Biyernes 02:00 BST/09:00 Manila Time)
- Ang Game 5 ng Western Conference finals ay gaganapin sa Chase Center
- Nagpuwersa ng isa pang laro ang Mavericks matapos nilang talunin ang Warriors 119-109 sa Game 4
- Muling nanguna para sa Dallas si Luka Doncic
Expired
Hangad ng Warriors na tapusin na ang serye kontra Mavericks sa Game 5 (Thearon W. Henderson/Getty Images)
Bigong ma-sweep ng Golden State Warriors ang Dallas Mavericks sa Western Conference finals kaya determinado silang tapusin ang serye sa Game 5 na muling gagawin sa Chase Center sa San Francisco.
Nakalasap ng 119-109 kabiguan ang Warriors sa Dallas noong Martes matapos nilang magwagi sa unang tatlong laro ng best-of-seven series.
Nagtapos si Luka Doncic ng 30 points, 14 rebounds at 9 rebounds para pangunahan ang Mavericks at magpuwersa ng isa pang laro pabalik sa City by the Bay. Ito ang ikalawang sunod na laro na nagtala ng double double ang Slovenian superstar.
Nagpakitang gilas din ang ibang manlalaro ni Dallas head coach Jason Kidd. Nagtala si Dorian Finney-Smith ng 23 puntos habang nag-ambag ng 18 puntos si Reggie Bullock matapos niyang hindi maka-iskor sa kanilang 109-100 pagkatalo noong Game 3.
Naglista si Jalen Brunson ng 15 puntos habang nagtapos din ng double figures ang mga reserves na sina Maxi Kleber (13 puntos, 8 rebounds) at Spencer Dinwiddie (10 puntos, 8 assists). Tulad ni Bullock ay na-bokya si Kleber noong Game 3.
Si Stephen Curry ang nanguna para sa Golden State matapos niyang magtala ng 20 puntos at 8 assists. Nag-ambag si Jonathan Kuminga ng 17 puntos at 8 rebounds mula sa bench habang nagtala ang kanyang fellow reserve na si Jordan Poole ng 14 puntos. Sina Klay Thompson (12 puntos), Draymond Greene (10 puntos, 6 rebounds, 6 assists) at Moses Moody (10 puntos) ang ibang Warriors na naglista ng double digits.
Unti unting nakalayo ang Mavericks sa second quarter at nagtala ng 62-47 kalamangan sa half-time. Dinomina naman nila ang third quarter 37-23.
Maganda ang naging shooting ng Mavericks sa Game 4 at ito ang naging susi sa kanilang pagputol sa four-game winning streak ng Warriors. Nagbuslo si Bullock ng 6 three-pointers habang nagpasok ng apat si Finney-Smith. Sa kabuuan ay naglista ng 20 triples ang Dallas.
Ang tanong ngayon ay kaya kayang dalhin ng Mavericks ang kanilang magandang laro sa San Francisco, kung saan may 8-0 rekord ang Warriors ngayong play-offs. Tinambakan ng Golden State ang Dallas 112-87 sa Chase Center noong Game 1 at muling nanalo 126-117 sa Game 2.
Hindi nakalaro si Otto Porter para sa Warriors sa Game 4 dahil sa injury sa paa na natamo niya noong Game 3. Inaalam pa ang kaniyang kalagayan para sa larong ito. Game-time decision din si Andre Iguodala habang wala pa rin si Gary Payton II.
Verdict
Mahirap talunin ang Warriors sa kanilang bahay kaya inaasahan namin sila na tuldukan na ang serye sa Game 5.
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS
Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.