• Home
  • Basketball
  • NBA

Boston Celtics @ Miami Heat Tips - Reresbak ang Heat

Editor
Last updated: 25 May 2022
Librengpusta Staff 25 May 2022
Share this article
Or copy link
  • Mga tip sa Boston Celtics @ Miami Heat sa NBA Play-offs sa Miyerkules (Huwebes 01:30 BST/08:30 Manila Time)
  • Ang Game 5 ng Eastern Conference finals ay gaganapin sa FTX Arena
  • Tabla ang best-of-7 series 2-2
  • Tinabla ng Celtics ang serye matapos nilang magwagi sa Game 4
Expired
FTX Arena
Determinadong makabawi ang Heat kontra Celtics sa pagbabalik ng Eastern Conference finals sa FTX Arena para sa Game 5 (Michael Reaves/Getty Images)
Sinigurado ng Boston Celtics na hindi na sila muling mapapahiya sa harap ng kanilang mga fans kaya binuhos nila ang lahat para itabla ang kanilang serye laban sa Miami Heat pabalik sa South Beach. 

Sa pangunguna ni Jayson Tatum ay nilampaso ng Celtics ang Heat 102-82 sa Game 4 ng best-of-seven series na ginawa sa TD Garden noong Lunes. Nagtapos ang All-Star forward ng 31 puntos at 8 rebounds para tulungan ang Boston na makabawi sa kanilang 109-103 pagkatalo sa kanilang bahay noong Game 3. 

Maganda rin ang naging kontribusyon ng ibang manlalaro ni Celtics head coach Ime Udoka. Nagtala ng 14 puntos mula sa bench si Payton Pritchard habang nagdagdag ng 13 puntos, 8 rebounds at 6 assists si Derrick White. Kapwa nagtala ng 12 puntos sina Jaylen Brown at Robert Williams. Nakakuha rin si Williams ng 9 rebounds at dinomina nila ni Al Horford (13 rebounds) ang shaded area.

Hindi naramdaman ng Celtics ang pagkawala ni Marcus Smart, na hindi nakapaglaro dahil sa ankle injury na natamo niya noong Game 3. 

Kahit wala ang Defensive Player of the Year ng liga ay nalimitiahan ng depensa ng Celtics ang Miami starters sa 18 puntos matapos ang 7-of-36 shooting.

Umiskor lamang si Jimmy Butler ng 6 puntos habang naglista si Bam Adebayo ng 9 puntos matapos niyang magpasiklab sa Game 3 kung saan nagtala siya ng 31 puntos at 10 rebounds.

Ang bench players ng Miami ang nagtaguyod sa koponan sa pangunguna ni Victor Oladipo, na nagtala ng 23 puntos at 6 assists. Nagdagdag ng 14 puntos si Duncan Robinson habang nag-ambag ng 12 puntos si Caleb Martin. 

Hindi nakalaro si Tyler Herro para sa Heat dahil sa groin injury. 

Umaasa si Udoka na mapanatili ng Celtics ang kanilang mainit na panimula sa Game 4 kung saan dinomina nila ang first quarter 29-11 at hindi na muling pinaporma ang kanilang mga kalaban. Nakabawi si Tatum sa kanilang nakaraang laro matapos niyang mallimitahan sa 10 puntos sa Game 3.

Determinado namang makabawi si Butler sa pagbabalik ng serye sa Miami matapos niyang malimitahan sa 14 puntos sa kanilang huling dalawang laro matapos niyang umiskor ng 41 puntos sa Game 1 at 29 puntos noong Game 2.

Verdict

Matapos tambakan sa Game 4 ay kumpiyansa kami na makakabawi ang Heat kontra Celtics sa pagbabalik ng serye sa Miami sa Game 5.

Best Bet: Heat To Win @101/100 at Hollywood bets - 1 Unit
Heat
To Win
@101/100 - 1 Unit
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS

Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.

Bet at Hollywood bets

Nangungunang Mga Site sa Pagtaya

special-offer-1Betting offers

Paparating na Kaganapan