- Thursday 31
- Friday 1
- Saturday 2
- Sunday 3
- Monday 4
- Tuesday 5
- Wednesday 6
- Thursday 7
- Friday 8
- Saturday 9
- Sunday 10
Boston Celtics @ Golden State Warriors Tips - Warriors muling magwawagi
- Mga tip sa Boston Celtics @ Golden State Warriors sa NBA Finals sa Lunes (Martes 02:00 BST/09:00 Manila Time)
- Ang Game 5 ay gaganapin sa Chase Center
- Tabala ang best-of-7 series matapos manalo ang Warriors 107-97 sa Game 4
- Umiskor si Stephen Curry ng 43 puntos sa Game 4
Expired
Babalik ang NBA finals sa San Francisco para sa Game 5 (Ezra Shaw/Getty Images)
Babalik sa San Francisco ang Game 5 ng NBA finals sa pagitan ng Golden State Warriors at Boston Celtics sa Lunes (Martes 02:00 BST/09:00 Manila Time).
Tinabla ng Warriors ang best-of-seven series sa 2-2 matapos nilang magtala ng 107-97 panalo sa Boston noong Biyernes.
Umiskor ng 43 puntos at nagtala ng 10 rebounds si Stephen Curry para pangunahan ang Golden State sa Game 4. Pinangunahan ng two-time league MVP ang 10-0 run ng mga bisita sa fourth quarter para tuluyan ng makuha ang kalamangan.
Nag-ambag ng 18 puntos si Klay Thompson habang nagdagdag ng 17 puntos at 16 boards si Andrew Wiggins. Naglista si Jordan Poole ng 14 puntos mula sa bench habang nakakuha si Kevon Looney ng 11 rebounds. Nagparamdan din si Draymond Green, na nakakuha ng 9 rebounds at 8 assists.
Nagtapos ng 23 puntos at 11 rebounds si Jayson Tatum para sa Celtics ngunit nalimitahan siya sa isang field goal sa buong fourth quarter. Nagdagdag ng 21 puntos si Jaylen Brown habang nagtala ng 18 puntos si Marcus Smart para sa Boston, na lumamang ng apat na puntos bago nagpakawala ng 10-0 run ang Warriors. Si Derrick White ang nanguna sa Boston reserves sa kanyang 16 puntos.
Tinalo ng Celtics ang Warriors 120-108 sa Chase Center noong Game 1 bago bumawi ang Golden State 107-88 sa Game 2.
Nag-aaverage si Curry ng 34.2 puntos kada laro sa seryeng ito kaya mula siyang aasahan ni Warriors head coach Steve Kerr na mag-init sa Game 5. Hindi pa natatalo ang Celtics ng back-to-back games sa playoffs na ito at ito ang nais gawin ng Warriors para makuha ang kalamangan sa serye.
Nakalista naman bilang questionable sa larong ito sina Otto Porter at Andre Iguodala.
Kapwa nag-aaverage ng 22.3 puntos kada laro sina Tatum at Brown at sisikapin nilang makakuha ng 3-2 kalamangan pagbalik ng serye sa Boston para sa Game 6.
Hindi naman siguradong maglalaro si Robert Williams sa Game 5. Dati pang may iniindang injury sa kaliwang tuhod ang Celtics big man at muli itong nasaktan sa kanilang huling laro.
Verdict
Nasa Warriors ang momentum at maglalaro sila sa kanilang homecourt kaya inaasahan namin na magwagi sila sa Game 5 kontra Celtics.
£30 Free Bet
Use promo code NEWBONUS
Claim £30 free bet & 20 Free Spins. Use the promo code NEWBONUS. New Hollywoodbets account holders. 18 years or older. United Kingdom residents only. T&Cs apply.