NBA

Mga Tip sa Pagtaya sa NBA

7672 Showlhs N

Mga Tip at Hula sa NBA


Naghahanap ka ba ng libreng mga tip sa pagtaya sa NBA? Ang aming mga dalubhasa ay nagbibigay ng mga tip sa pagtaya, hula, preview at pinakamahusay na pusta para sa pinakaprestihiyosong liga ng basketball sa buong mundo. Kabilang rito ang NBA Playoffs at NBA Finals pati na rin ang NBA All Star Game. 

Ang National Basketball Association (NBA) ay isang propesyonal na liga sa basketball sa North America. Ang NBA ay binubuo ng 30 koponan (29 sa Estados Unidos at 1 sa Canada) na nahahati sa Eastern at Western conferences.

Ang lahat ng 30 koponan ng NBA ay maglalaro ng 82 beses sa regular season at ang nangungunang 8 mga koponan sa bawat kumperensya pagkatapos ng season ay maglalaro sa playoffs kung saan best-of-seven ang labanan. Ang mga kampeon sa Eastern at Western conferences ay maglalaban sa NBA Finals na karaniwang nagtatapos sa Hunyo.

Ang NBA ay itinuturing na pinakamataas na lebel ng professional basketball sa buong mundo. Ang mga manlalaro ng NBA ang ilan sa may mga pinakamalaking sweldo at pinakasikat na atleta sa buong mundo.

Ang 2020-21 NBA season ay ang ika-75 na season ng liga at ang librengpusta.com ay tutulungan kayo sa inyong pagtaya sa inyong mga paboritong laban. Alamin kung paano makapanuod ng mga laro sa live streaming service at makuha ang aming mga pinakamahusay na betting tips sa buong season.

NBA Live Streaming


Ang NBA live streaming ay isang mahusay na paraan upang mapanood ang lahat ng mga laro sa NBA kahit nasaan ka man sa mundo. Ang kailangan mo lang ay isang digital device at isang naaangkop na koneksyon sa internet. Manood ng NBA sa iyong mobile, tablet, PC o TV na may mga live stream ng NBA nasaan ka man.

Ipinapakita sa iyo ng aming gabay sa NBA live streaming kung paano panoorin ang lahat ng mga aksyon sa bawat panahon.

NBA Streams

NBA Schedule at Playoffs


Mahalagang malaman ang iskedyul ng NBA kung nais mong i-maximize ang iyong potensyal sa pagtaya. Ang mga koponan ay naglalaro ng home and away games sa kabuuan ng isang season, kaya dapat laging alalahanin na ang laging pagbyahe ng mga koponan ay nakakaapekto sa kundisyon ng mga manlalaro. 

Ang NBA playoffs ay ginaganap pagkatapos ng 82-game regular season. Ang nangungunang walong koponan sa Eastern at Western conferences ay maglalaban sa best-of-seven series. Sa first round, magtutuos ang No. 1 seed at No. 8 seed, No. 2 seed at No. 7 seed, No. 3 seed at No. 6 seed, at No. 4. seed at No. 5 seed sa bawat conference. Ang top four teams ay may homecourt advantage. Ang lahat ng mga magwawagi sa mga serye ay magtutungo sa second round. Ang mga magwawagi naman sa second round ay magtutuos sa conference finals. Ang Eastern at Western conference champions ay maglalaban sa NBA Finals.